top of page

Ano ang humahadlang sa atin kung kaya hindi natin nama-maximize ang ating potential?

  • Writer: BastaNoypi Trending
    BastaNoypi Trending
  • May 24, 2020
  • 2 min read

Maraming mga bagay ang nahihirapan tayong bitiwan sa ating buhay. Kadalasan ay ito na ang umaalipin sa atin at pumipigil sa sa atin upang mas mapahusay pa ang ating mga buhay. Halimbawa nito ay ang tinatawag nating “comfort zone”. Ito ay mga bagay o gawain na nakasanayan na natin ngunit mas may maihuhusay pa tayo kung tayo ay aalis sa ating “comfort zone”.

ree

Isa na namang kwento ang aking naalala kapag tungko sa bagay na ito. Ang title nito ay “The King and Macaw Parrots”.

Noong unang panahon, may isang hari ang bumisita sa mga kalapit na kaharian. At ang huling kaharian na kanyang nabisita ay pinagkalooban sya ng pares ng Macaw Parrots. Ito na siguro ang pinakamagandang ibon na nakita niya sa tanang buhay niya. Nang siya ay bumalik na sa kanyang kaharian ay agad siyang nagpatawag ng tagapagsanay ng ibon upang turuan ang dalawang ibong kaloob sa kanya.

ree

Nagpagawa rin ang hari ng isang hardin sa palasyo para lamang sa mga parrots at palagi siyang nakatanaw sa mga ito mula sa bintana ng palasyo. Sa paglipas ng panahon, ang tagapagsanay ng ibon ay nagtungo sa palasyo upang ipaalam sa hari na habang ang isang parrot ay lumilipad ng kay tayog sa himpapawid, ang isa naman ay hindi gumagalaw mula sa sanga ng isang puno, mula pa ng ito ay dumating.

Nang marinig ito ng hari ay agad siyang nagpatawag ng tagapagsanay at manggagamot mula sa ibang kaharian. Ginawa nila lahat ng makakaya ngunit wala sinuman ang makapagpalipad sa isang ibon. Maging ang kanyang mga tagapangasiwa sa palasyo ay wala ring nagawa upang ito ay lumipad. Hindi man lang gumalaw ang ibon mula sa sanga. Sa huli, matapos subukan ang lahat ng paraan, inisip ng hari na kailangan siguro ng isang taong mas pamilyar sa likas na tahanan ng mga ibon. Agad niyang inutusan ang mga tagapangasiwa na humanap ng isang magbubukid mula sa nayon at dalhin ito sa ibon upang malaman kung may magagawa siya para ditto.

Kinabukasan, namangha ang hari ng makita niya ibon na lumilipad ng kay taas mula sa hardin ng kaharian. Inutusan niya ang tagapaglingkod upang tawagin ang magbubukid. Mabilis namang sumunod ang tagapaglingkod at tinunton ang kinaroroonan nito. Pagdating niya sa palasyo ay agad siyang tinanong ng hari “paano mo napalipad ang parrot?”

Tumugon ang magbubukid ng may buong pagpapakumbaba, “madali lang, Mahal na Hari! Pinutol ko lang ang sanga kung saan siya nakadapo”.

ree

Pinagkalooban ng tayo ng Diyos ng iba’t ibang talento at katangian. Ngunit dahil hindi natin mabitiwan ang mga bagay na akala natin ay best na para sa atin, hindi natin magamit ng sagad ang mga potential na binigay sa atin ng Lord. Bitiwan natin ang mga bagay na ito. Umalis tayo sa ating “comfort zone”. Diskubrihin natin ang ating sariling kakayahan, i-develop natin ito, at higit sa lahat ay gamitin para sa ikaluluwalhati ng ating Diyos.

2 Timothy 1:7

"Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan."


ree

"Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;"


ree

Credit to the owners of photos above..

Comments


Subscribe to Still newsletter

"Be still and know that I am God" Psalms 46:10

Thanks for submitting!

  • Twitter
  • Facebook
  • Linkedin

© 2020 by Jeff. Proudly created with Wix.com

bottom of page