top of page

Sobrang tindi ng galit niya sa kanyang kapatid ngunit ganito ang ginawa niya!

  • Writer: BastaNoypi Trending
    BastaNoypi Trending
  • May 20, 2020
  • 3 min read

Kilala ang mga Pilipino bilang mapagmahal sa pamilya. Meron tayong value na tinatawag na close family ties. Kadalasan ang trait na ito ng Pilipino ay umaabot hanggang sa pagtanda, kaya naman karamihan ng mga kababayan natin, may mga pamilya na, kasama parin ang mga magulang at mga kapatid. Ito ay hindi tulad ng ibang bansa kung saan pag dumating na sa legal na edad ang kanilang mga anak ay kailangan ng maging indepente at hindi nakaasa sa mga magulang.

ree

Sobra magmahalan ang pamilyang Pilipino. Ngunit pag nagkasamaan ng loob ay ganun din kalalim. Gaya na lamang ng isang tanyag na kwentong ito na palagi kong binabalikan at ibinabahagi sa iba. Ang title ng kwentong ito ay “The Bridge”.

Noong unang panahon, may magkapatid na nakatira sa magkatabing bukirin na nagkaroon ng hidwaan. Ito ang pinaka grabe at malalim na hidwaan sa kanila sa loob ng apatnapung taon (40 years) na sila ay magkasama sa magkalapit na bukirin. Palagi nilang ibinabahagi sa bawat isa ang meron sila, nagtutulungan at naghihiramanan ng mga kagamitan. Ngunit ang mahabang pagkakamabutihan ng magkapatid ay napalitan ng poot. Nagsimula ang sigalot sa isang maliit na hindi pagkakaunawaan hanggang sa ito ay lumaki ng lumaki hanggang sila ay nagkapalitan na ng mga salitang hindi magaganda sa isa’t isa hanggang sa hindi na muli sila nag usap pa.


ree

Isang umaga, isang lalaki ang kumatok sa pintuan ng nakakatandang kapatid tangan ang isang sisidlan ng gamit sa pagkakarpentero. Binuksan niya ang pinto at ang wika nito ay “Naghahanap po ako ng trabaho kahit ilang araw lamang po. Baka meron po kayong maliit na ipapagawa sa akin ay maari ko po kayong matulungan”.

“Oo!”, sagot naman ng nakatatandang kapatid. “Mayroon nga akong ipapagawa sa iyo”. Tumingin ka sa kabila ng sapa na iyon. Yan ang aking kapitbahay at sya din ang aking nakababatang kapatid ngunit may hidwaan kami ngayon. Noong isang linggo lang ay naghukay sya ng lupa upang maging daluyan ng tubig sa kanyang bukirin. Alam kong ginawa nia yan upang lalo akong magalit sa kanya at malayo. Nais kong gumawa ka ng paraan upang hindi ko na muli makita ang pagmumukha niya”.


ree

Sabi ng karpentero, “sa palagay ko naiintindihan ko na ang sitywasyon. Kaya kong pong gawin yan upang masiyahan kayo.” Kaya naman agad nagtungo ang nakatatandang kapatid sa lungsod upang mamili ng gamit at mga materyales para sa karpentero. Matapos mamili ay umalis na ito buong araw. Masinop at masipag na nagtrabaho ang karpentero. Buong araw nagsukat, naglagari, at nagpako.


ree

Nang malapit na lumubog ang araw ay umuwi na ang nakatatandang kapatid at natapos na rin ng karpentero ang kanyang trabaho. Malaki ang pagkagulat nito at halos malaglag ang panga sa nilikha ng karpentero. Hindi ito ang inaasahan niya at hindi rin ito ang na-imagine niya. Sa halip na pader, isang napakagandang tulay pala ang ginawa niya na nagdudugsong at nagsisilbing daan papunta sa kanyang nakababatang kapatid. Isang napakapulidong gawa maging ang hawakan ng tulay na ito ay talaga namang nakamamangha. At sa kanyang mas malaking pagkagulat, ang kanyang kapatid mula sa kabilang bahagi ng sapa ay tumatawid sa tulay, na mayroong napakatamis na ngiti, bukas palad na lumapit sa kanya upang siya ay yakapin.

“Napakabuti ang nakapa mapagkumbaba mo aking kapatid! Matapos ang lahat ng ginawa ko at masasakit na salitang sinabi ko, patuloy mong pinakita at pinaramdam sa akin na ang relasyon natin bilang magkapatid ay hindi masisira kailanman at hindi kayang paghiwalayin ng sapa. Patawarin mo ako, Kuya” sabi ng nakababatang kapatid habang niyayakap ang kanyang kapatid. Matapos silang mag-usap ay lumingon sila sa karpentero tangan ang kanyang kagamitan at handa ng umalis. “Teka, sandali! Maari bang manatili ka ng ilang araw pa dahil may mga ipapagawa pa ako sa iyo?”


ree

“Nais ko pa po sana manatili” wika ng karpentero, “ngunit, marami pa po akong tulay na kailangang gawin!”.

Talagang napakaganda at tunay na nakakaantig ang kwetong ito ng magkapatid. Lagi nating tatandaan ang sinasabi sa atin ng salita ng Diyos sa Ephesians 4:2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig”.

ree

Walang hindi kayang ayusin ang pag-ibig. Kung nagustuhan nio naman ang papel ng karpentero kagaya ko, isang napakalaking inspirasyon ang iniiwan niya sa atin. May kilala ka ba na may hidwaan at nasira ang relasyon. Maaring ikaw ay tinatawag upang maging bridge maker o taga gawa ng tulay na siyang tutulong upang ayusin ang kanilang relasyon.

Godbless po sa inyong lahat!

Comments


Subscribe to Still newsletter

"Be still and know that I am God" Psalms 46:10

Thanks for submitting!

  • Twitter
  • Facebook
  • Linkedin

© 2020 by Jeff. Proudly created with Wix.com

bottom of page