Ganito lang pala ang gagawin natin pag hopeless na tayo!
- BastaNoypi Trending
- May 18, 2020
- 3 min read
Updated: May 24, 2020
Sadyang napakahirap maranasan ang sitwasyon sa buhay natin na akala natin wala na tayo pag-asa. Kumbaga, we reached the dead end sa buhay natin. Iba’t-iba ang karanasan at kwento ng bawat tao dito. May mga nanganib na masira ang relationship. Marami din na akala nila hindi na sila makakaalis sa addiction. Meron din namang nakagawa ng isang krimen. Marami ding nagkaroon ng malaking pagkakautang, at marami pang iba.

Tulad na lamang ng isang kwentong matagal ko na nababasa sa internet. Ang titulo ng kwento na ito ay “Thinking Out the Box”.
Mayroong isang maliit mangangalakal na nagkaroon ng isang malaking pagkakautang sa isang loan shark. Ang loan shark sila ung mga taong matataas magpatong ng interest at halos hindi mo na mabayaran at ganun nga ang nangyari. Hindi na kayang bayaran ng mangangalakal ang pinag-utangan nia. Ngunit itong nagpautang ay nagugustuhan ang babaeng anak ng mangangalakal na ubod naman ng ganda, kaya naman inalok nia ang mangangalakal ng isang deal. Ang deal ay ganito: mayroong mga puti at itim na bato na ipinakita ang loan shark at ang isang puti nito ay ilalagay nia sa isang sisidlan, habang ang isang itim naman ilalagay pa sa isang sisidlan ng hindi nakikita ng mag-ama. Pipili ng isang sisidlan ang babae, at kung ang itim na bato ang mabubunot nia, hindi na kailangang magbayad sa utang ang ama nia, ngunit kailangan niyang pakasalan ang matandang pangit na loan shark. Ngunit kung puti naman ang mabunot ay patatawarin na ang pagkakautang ng kanyang ama, at bukod pa doon ay hindi nia na kailangang magpakasal. Ngunit sadyang maitim ang budhi ng loan shark na ito dahil hindi nia alam, nakita sya ng babae na parehong itim ang nilagay nia sa halip na isang puti at isang itim. Ang dalawang sisidlan na pagpipilaan nia ay parehong itim na bato at kahit na anong mabunot nia ay talo silang mag-ama. Sa puntong ito, wala ng pag-asa ang mag-ama. Walang kawala, walang lusot. Dead end.

Sa mga sandaling iyon ay ilan lamang ang nasa isip ng babae:
1. Hindi nia pedeng sabihin na nakita niya ang ginawa ng loan shark dahil siguradong magagalit ito at ipapadakip ang kanyang ama at pagbabayarin sa utang
2. Pag pumili naman sya ay siguradong pakakasalan nia ang pangit na matanda ngunit walang pagkakautang ang kanyang ama
3. At kung hindi naman sya pipili ay malalagay sa peligro ang kanyang ama.
Sa puntong ito, maaring masasabi ng karamihan na wala na talaga pag-asa sa buhay ng mag ama. Maraming pagkakataon din sa buhay natin na ganyan ang mga naramdaman natin. Ngunit nasubukan na ba natin humingi ng wisdom sa Lord sa mga major decisions na gagawin natin? Kung kayo ang nasa katayuan ng babae, ano ang gagawin mo?
Ganito po ang ginawa ng babae. Pumili po sya ng isang sisidlan kahit alam nia ang nilalaman nito ay kapahamakan para sa kanya. Ngunit ganito ang ginawa nia. Nung ilalabas nia na ang bato na napili nia ay sinadya niya itong ilaglag sa karamihan ng bato kung saan ito ay nahalo at hindi na makita kung anong kulay ng bato ang kanyang napili. Sabi nia “pasensya na dumulas sa kamay ko. Pero alam ko na, kung ano man ang kulay ng laman ng isang sisidlan, ibig sabihin, ang kabaligtaran noon ang napili ko, kaya buksan natin ang isa pa”. Nang buksan nga nila ito ay itim ang nakita ng lahat ng nakasaksi, kaya naman sabi ng babae ay ibig sabihin puti ang kanyang nabunot. Hindi niya na kailangang magpakasal, at wala na rin ang utang ng kanyang ama. Hindi na nakapagsalita ang loan shark dahil malaking kahihiyan pag gumawa pa sya ng eksena doon dahil may mga taong nakasaksi sa pangyayari.
Ang punto ko lang, wag po tayong panghinaan ng loob kaagad pag nahaharap na tayo sa dead end ng ating buhay. Think out of the box. Think about the goodness and mercy of the Lord. Hindi ka niya pababayaan. Call unto Him. He will save you. He will make our burdens light. He will never leave us nor forsake us.
Jeremiah 33:3 says “Call unto me and I will answer thee”

Godbless you po and may you find the courage and strength from the Lord na kailangan natin as we battle in this life.
Ang ilan o karamihan sa mga larawan ay hango sa internet.
Commentaires